Maglilingkod sa 'Yo
Dinggin mo o Dios
Ang pagsamo ko
Na maging tapat sa pagsunod sa ‘Yo

Nararapat lang
Na Ika’y sundin
Sa mga utos Mo banal kong gagawin

Mahal na mahal kita
Hindi ako magbabago
Asahan Mo ang pag-ibig ko sa Iyo

Mahal na mahal kita
Ang buhay ko’y alay sa ‘Yo
Pangako ko maglilingkod sa ‘Yo

Pag-ibig mong taglay
Ay walang katulad
Sa ‘Yo lamang nadama ang pag-ibig na wagas
Purihin ka Panginoon Hesus

Mahal na mahal kita
Hindi ako magbabago
Asahan Mo ang pag-ibig ko sa Iyo

Mahal na mahal kita
Ang buhay ko’y alay sa ‘Yo
Pangako ko maglilingkod
Pangako ko maglilingkod
Pangako ko maglilingkod sa ‘Yo